Wednesday, June 3, 2009

Ako ang Nasawi, Ako ang Nagwagi sung by Dulce

Ako ang nagwagi
Naitago ko ang damdamin kong sawi

O, kay saya ko
Malaya kong nasusunod ang gusto
Kasama kong ngumingiti ang mundo
At di humihikbi sa 'yo

Ang sabi nila
Ako'y larawan ng ligaya't saya
At nalimutan daw kita

Chorus:

Ako ang nagwagi
Naitago ko ang damdamin kong sawi
Sinong magsasabing ito ay mali
Kahit alala ka bawat sandali
Ako ang nagwagi
Paglimot daw sa 'yo'y ganyan kadali
Naniniwala nga sila
Na ako'y malaya na

Salamat na lang
Hindi lantad ang isang pusong sugatan
Bawat tibok hindi rinig ang sigaw
Tinatawag pa rin, ikaw

(Repeat Chorus)

Salamat na lang
Hindi lantad ang isang pusong sugatan
Bawat tibok hindi rinig ang sigaw
Tinatawag pa rin, ikaw
Pa rap pa rap...

Kahit ako ang nasawi
Ako pa rin ang nagwagi
Pa rap pa rap...

No comments: